Saturday, September 16, 2017

Justice for Dr. Vicente L. Soco, Jr.


     Hustisya ang isinisigaw ngayon ng mga mamamayan ng Dinagat Islands sa di makatarungang pagpaslang kay Dr. Vicente L. Soco, Jr.

     Si Dr. Soco ay isang Provincial Health Officer sa Dinagat Islands na kilala sa kanyang walang kapantay na serbisyo para sa residente doon. Nag-oorganisa siya ng mga Medical at Dental Mission kung saan libreng nakakapagpa opera ng mga bukol, nagpapabunot ng ngipin, at nabibigyan ng gamat at bitamina ang mga taga Dinagat. Siya mismo ay nag-oopera ng libre sa mga Medical Mission at kapansin pansin na malapit ang loob niya sa mga tao, lalo na sa mga kapos-palad nilang kababayan.

      Nabaril diumano si Dr. Soco ng tatlong beses noong Setyembre 14, 2017 ng gabi sa isang Gas Station sa New Mabuhay, Dinagat na pag-aari ng biktima. Agad din siyang binawian ng buhay. Ayon sa mga nakasaksi, ang bumaril dito ay isang di nakikilalang lalaki na nakasuot ng hooded na kapote at nakasakay sa isang Bajah Motorcycle na kumaripas patungong San Jose/ Cagdianao. Kasalukuyang hinahanap pa ng pulisya ang naturang lalaki. Kung kayo ay may kung ano mang impormasyon na makakatulong sa pagresolba sa kaso, maaaring ipagbigay alam lamang po sa lokal na tanggapan ng pulisya o sa mga kinauukulan.

     Samantala, nagsagawa naman ng isang indignation rally ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Dinagat Islands noong Setyembre 15, 2017 ng umaga, sa pangunguna ni Vice Governor Benglen Ecleo. Hindi naiwasan ng bise gobernador ang pagiging emosyonal sa natural indignation rally na ginanap mula sa kapitolyo hanggang sa pinangyarihan ng krimen at nagpatuloy patungong Port of San Jose, kaagapay ang Philippine National Police (PNP).


Photo Credits to Vice Governor Benglen Ecleo's Facebook Account

No comments:

Post a Comment